Major Cupid

  • Uploaded by: Lagui Ronalyn
  • Size: 98.3 KB
  • Type: PDF
  • Words: 650
  • Pages: 5
Report this file Bookmark

* The preview only shows a few pages of manuals at random. You can get the complete content by filling out the form below.

The preview is currently being created... Please pause for a moment!

Description

Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV – A CALABARZON Sangay ng Batangas

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc. Banghay Aralin sa Filipino 10

Mag Kompetensi: Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pang unawa at pagpapahalaga sa akdang pampanitikan.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakakabuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique tungkol sa alimang akdang pampanitikang Mediterranean..

A. Pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto: Naipapahayag mahalagang kaisipan sa napakinggan ( F10PN-Ia-b-62)

Mga tiyak na layunin: A. Naipapahayag ang mahalagang kaisipan at pananaw tungkol sa mitolohiyang "Cupid at Psyche" B. Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng pangungusap at paraang palarawan. C. Nasusuri ang nilalaman elemento at kakanyahan ng binasang mitolohiya. II. Paksang Aralin Paksa: Cupid at Psyche Sanggunian: Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean (Modyul ng mag-aaral sa Filipino 10)

Sagutin ang mga gabay na tanong: 1. Ano ang damdamin ninyo sa inyong napakinggang awitin? 2. Anong nais iparating na mensahe ng pakinggang awitin?

D. PAGLINANG NG TALASALITAAN ! Panuto: Bigyan ng katumbas na pahayag ang mga salita at gamitin ito sa pangungusap. 1. Walang kamatayan - walang katapusan 2. Masidhi - Maalab 3. Lumakas - Tumindi 4. Nahimok - Nahikayat

E. Pag tatalakay sa paksa Magpapabasa ang guro ng isang mitolohiya at pinamagatan itong "Cupid at Psyche" sa pamamagitan ng dugtungan na pagbasa. Cupid at Psyche Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat.

Isa sa tatlong magagandang magkakapatid si Psyche. Ngunit sa lahat, siya ang may pinakalutang na kagandahan. Kahit ang diyosang si Venus ay walang panama sa kaniya. Napabayaan na nga ang diyosa ng mga tao at hindi na nag-aalay ng bulaklak sa kaniya.

Dahil dito, inutusan nito ang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa isang pangit na nilalang. Gayunman, si Cupid ang nabighani sa kagandahan ni Psyche. Imbes na gamitin ang pana para kay Psyche, ay pinabayaan niya lamang itong mamuhay ng normal at tumaliwas sa utos ng ina. Nang mag-asawa ang mga kapatid ni Psyche, humingi siya ng payo kay Apollo kung sino ang dapat mapangasawa niya. Sinabi naman ni Apollo ang mga dapat gawin. Naghanda sila para sa kasal na gagawin sa bundok.

Nauna na palang kausapin ni Cupid si Apollo kaya naman siya ang itinakdang mapangasawa ni Pysche. Naging masaya naman ang dalawa kahit may kondisyon si Cupid na hindi maaaring makita ang kaniyang mukha. Dahil sa kagustuhang malaman ng mga kapatid ni Psyche ang hitsura ng asawa, tinanggal nila ang maskara nito at tumambad ang magandang mukha ni Cupid.

Nalaman ito ni Venus at binigyan ng pagsubok sina Psyche at Cupid na nalagpasan naman nila at nagsama sila nang matiwasay.

Analisis 2 Mga gabay na tanong: 1. Ano ang pagkakamaling ginawa ni pysche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa kaniyang buhay? 2. Bakit ganun na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche? 3. Bakit tinago ni Cupid ang tunay na pagkatao nya kay Psyche?

F. Abstraksyon Panuto: Basahin at sagutin ang tanong. Kung ikaa si Psyche tatanggapin mo rin ba ang hamon ni Venus para sa pag-ibig ? Bakit??

G. Aplikasyon Hatiin ang klase sa tatlong pangkat Unang pangkat Psyche - Umawit ng kanta patungkol sa pag-ibig Pang dalawang pangkat Cupid - Sumulat ng tula tungkol sa pag - ibig Pang tatlong pangkat Venus - Gumuhit ng isang poster PAMANTAYAN SA PAG MAMARKA Pamantayan Malinaw na pagkakalahad ng detalye Mahusay na niugnay ang presentasyon Lahat ng grupo ay nakipag kooperasyon

Puntos 5 3 2 Kabuuan:

H. Ebalwasyon

Panuto: Sabihin kung tama o mali ang mga sumusunod na binanggit.

Tama 1. Ayon kay Cupid. "Hindi nabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala"? Tama 2. Dumanas ng maraming pagsubok si Psyche para maipaglaban ang pagmamahal? Tama 3. Si Venus ang kinikilalang diyosa ng pag-ibig? Tama 4. Imortal ang tawag sa nilalang na walang kamatayan at walang katapusan Tama 5. Pinakamaganda sa tatlong magkakapatid si Psyche. IV. Takdang Aralin: Gumuhit ng na simbolo ng pag-ibig

Similar documents

Major Cupid

Lagui Ronalyn - 98.3 KB

Manual de Stat Major FT2 Romania (3)

Cristina Boico - 1009.7 KB

© 2025 VDOCS.RO. Our members: VDOCS.TIPS [GLOBAL] | VDOCS.CZ [CZ] | VDOCS.MX [ES] | VDOCS.PL [PL] | VDOCS.RO [RO]