G7-Modyul-7-Final (1)

  • Uploaded by: Justin Calicdan
  • Size: 636.1 KB
  • Type: PDF
  • Words: 1,499
  • Pages: 8
Report this file Bookmark

* The preview only shows a few pages of manuals at random. You can get the complete content by filling out the form below.

The preview is currently being created... Please pause for a moment!

Description

7 Filipino Unang Markahan – Modyul 7:

Mga Pahayag na Retorikal

ALAMIN Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda (kung, kapag, sakali, at iba pa), sa paglalahad (una, ikalawa, halimbawa, at iba pa, isang araw, samantala), at sa pagbuo ng editoryal na (totoo/tunay, talaga, pero/ subalit, at iba pa) nanghihikayat. F7WG-If-g-4

SUBUKIN Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Ang tawag sa mga salita na nagpapakita ng kaugnayan ng dalawang salita, parirala, o sugnay. A. panghalip B. pang-ugnay C. pang-abay D. pang-uri 2. Ang Rehiyon XII ay hindi nakaligtas _______ kasalukuyang pandemiya. A. at B. sa C. kay D. kasi 3. Mahalaga ang pagsunod _______ pakikipagkaisa upang mapangalagaan ang iyong malusog na pangangatawan. A. kaya B. at C. para D. ng 4. Matinding pagbabantay ang ginagawa ng mga awtoridad para sa ikabubuti ng mga mamamayan _______ marami pa rin ang mga hindi sumusunod. A. kaya B. palibhasa C. kung D. subalit 5. Lahat ng ginagawa ng mga nangunguna sa pagsugpo ng krisis na ito ay ________ kaligtasan ng lahat. A. maging B. dahil sa C. para sa D. ni 6. __________ doktor, kailangan ka magpahinga ng limang araw dahil ikaw ay may lagnat. A. Ayon sa B. Ukol sa C. Ayon kay D. Hingil sa

7. Mabigat ang trapiko _____________ nahuli ako sa klase. A. kaya B. ngunit C. kasi D. kapag 8. Sasabay sana ako kay Marie pauwi _______ nakauwi na pala siya. A. kaya B. kasi C. kaso D. dahil 9. Binilhan ________ Ninang Lourdes si Clarence ng bagong laruan. A. kina B. nina C. ni D. kay 10. Maaari tayong maglaro ________ tapos na tayo sa pagsagot ng ating takdangaralin. A. subalit B. kapag C. palibhasa D. dahil 11. Nagpunta sila sa ilog ________ malalim kanina. A. sa B. na C. ni D. ng 12. Ang paghalik ng kamay ay tanda ng pagmamahal ___________ mga magulang. A. para sa B. ayon sa C. para kay D. ayon kay 13. Ang kuwentong nabasa ko ay _____________ isang prinsesa. A. alinsunod sa B. ukol kay C. alinsunod kay D. tungkol sa 14. Magtanim tayo ng mga halaman _____ gulay upang makasiguro na walang kemikal ang ating kinakain. A. n B. ng C.na D. pati 15. Huwag mong gawin ang mali _____________ walang maibubungang maganda iyan sa'yo. A. sapagkat B. palibhasa C. ngunit D. kapag

RETORIKAL NA PANG-UGNAY

ARALIN 7: MGA PANG-UGNAY

1. Pang-angkop (ligature)- ito ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda sa pagbigkas ng mga pariralang pinaggamitan. Dalawang Uri ng Pang-angkop Pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Isinusulat ito ng hindi magkadikit sa unang salita. Ito ay nagigitnaan ng salita at ng panuring. Ang pang-angkop na –ng ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Inilalagay ito sa unang salita. 2. Pangatnig (conjuction)- mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay. Halimbawa: tulad ng, kahit na, dahil sa, kasi, palibhasa, bukod-tangi, pati, ni, maging, sapagkat, kapag, subalit, datapwat at iba pa. 3. Pang-ukol (preposition)- salitang nag-uuganay sa isang pangngalan sa iba pang salita. Halimbawa: ang/si, ng/ni/kay, ayon Sa Pagsasalaysay o Paglalahad ito ay karaniwang paraang ginagawa ng mga tao upang maipaliwanag, mailarawan, at makapagbigay impormasyon tungkol sa kanyang mga karanasan, ideya, o paninindigan ukol sa isang paksa . MGA PAHAYAG NA KARANIWANG GINAGAMIT SA PAGSASALAYSAY O PAGLALAHAD 1. Sa pagsasalaysay ng isang kuwento o mahalagang karanasan o pangyayari - sa ganitong pagsasalaysay nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng isang araw, samatala, at iba pa. 2. Sa pagsunod - sunod ng pangyayari o pagbibigay ng hakbang o preseso sa pagsasagawa ng isang bagay- mahalagang masundan ng mambabasa o tagapakinig ang hakbang o proseso kaya karaniwang ginagamit sa ganitong pagsasalaysay ang mga salitang una, ikalawa, ikatlo, kasunod, panghuli. 3. Sa paglalarawan- inilalarawan ang mga katangian ng anumang isinalaysay kaya’t karaniwan itong gumagamit ng mga salitang ang mga katangian ay, ang anyo ay, ang itsura ay, ang lasa ay, ang kulay ay, at iba pa. 4. Sa paghahambing - Ginagamitan ito ng mga salitang pareho sa, magkaiba sa, makalayo ang katangian sa, sa kabilang banda. 5. Sa paglalahad ng sanhi o dahilan- ginagamitan ito ng mga pang-ugnay na

dahil sa, sapagkat, palibhasa at iba pa. 6. Sa paglalahad ng suliranin o solusyon- ginagamitan ng mga salitang ang problema ay, ang diprensiya ay, ang tanong ay, ang sagot diyan ay, ang solusyon ay.

Sa pagnanais na makumbinsi o mahikayat ang mga mambabasa sa iyong pananaw o paninindigan ay isang napakatinding hamon sa isang manunulat ang paggawa ng mga pahayag. Kaya mayroong mga angkop na salitang ginagamit upang makapanghikayat. Tingnan ang mga iilang halimbawa upang maging gabay sa iyong gagawin mamaya.

MGA HALIMBAWA NG MGA PAHAYAG AT SALITANG NANGHIHIKAYAT totoo/tama

siyempre

tunay

talaga

pero/subalit siguradong

kaya natin ito kaya mo

ngayon na tumpak

naniniwala akong sama na

kitang-kita mong

ito na

tara

tiyak na

PAGYAMANIN

Gawain 1 Panuto: Kopyahin sa sagutang papel ang sumusunod na mga pangungusap. Guhitan ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap. Dalawang puntos bawat bilang. ___1. Nasuot mo na ba ang damit na regalo ng iyong ninang ___2. Naghahabulan sa bakuran ang aso at pusa ni Wesley sa labas. ___3. Nais kung pumasok sa trabaho ngunit may sakit ako. ___4. Ang kalikasan ay kailangang pangalagaan para sa ikabubuti ng lahat. ___5. Masyadong tahimik ang mga daan ngayon dahil sa pandemiya. ___6. Gusto nang umuwi ng mga tao sa probinsiya subalit hindi pa maari ay dahil mapanganib. ___7. Ipinatupad niya ang panukalang ito para sa mga mamayang kanyang sinasakupan. ___8. Gigising ako ng maaga bukas para maumpisahan ko na ang labada. ___9. Sinigurado ng pamahalaan na makararating ang tulong para sa mga mamamayan. ___10. Ang Rehiyon XII ay isa sa mga masaganang rehiyon sa buong bansa.

Gawain 2 Panuto: Gamitin ang mga salitang nakapaloob sa kahon at punan ang bawat patlang upang makabuo ng pangungusap na nanghihikayat. Naniniwala akong … Tunay na ……

Talagang…. Ngayon na…

Ito na ……

1. ___________ malalagpasan natin ang krisis na kinakaharap natin ngayon sa tulong ng ating Panginoong Diyos. 2. ___________ mahirap ngunit sa kabila ng mga ito ay hindi pa rin tayo pinababayaan ng Maykapal. 3. ___________ lahat tayo ay magagawa anuman ang estado mo sa buhay na ito. 4. ___________ ang ating simula kaya kung maaari sana ay malugod itong tanggapin at sundin. 5. ___________ at simulan na natin ang pagbabago.

ISAISIP A. Kompletuhin ang mga sumusunod: Bilang mag-aaral, dapat kong pahalagahan ang aking mga natutuhang retorikal na pang-ugnay sapagkat _______________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ __________________________________________________________________.

Editoryal - ito ay ang kaluluwa ng isang publikasyon. Kumakatawan ito sa samasamang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan. Madalas itong nagbibigay linaw sa mga isyu o usapin. May layunin itong magbigay ng kuro-kuro, magpakahulugan, magbigay puri at higit sa lahat ay magpasaya. Sa madaling sabi ang editoryal ay nagbibigay opinyon sa isang isyu.

TAYAHIN

Panuto: Bilugan ang mga angkop na pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap. 1. Ano ang pangatnig na bubuo sa pangungusap? Malayo ang bahay ni Jane ______ maaga siyang gumigising upang hindi mahuli sa klase. A. kasi B. kaya C. upang D. dahil 2. Maaari tayong magliwaliw _______ tapos na tayo sa pagsagot ng ating takdang-aralin. A. at B. samantalang C. kaya D. kapag 3. Matutulog ako ng maaga _______ hindi ako antukin sa klase bukas. A. dahil B. kasi C. para D. samantala 4. Huwag gawin ang mali _________ wala itong magandang maidudulot sa iyo. A. ngunit B. kung C. kaya D. sapagkat 5. Makikisabay sana ako kay Jarence sa paggawa ng takdang aralin _________ tapos na pala siya. A. kaso B. habang C. sapagkat D. kaya 6. Anong pang-angkop ang bubuo sa pangungusap? Palagi______ maagang pumapasok si Juan sa kase. A. n B. na C. g D. ng 7. Mukha______ masarap ang nilutong ulam ni Nanay. A. n B. na C. g D. ng

8. Masipag mag-aral si Jhen ________ nakakukuha siya ng matatas na marka. A. ngunit B. subalit C. kaya D. kasi 9. Magtanim tayo ng ating mga sariling halaman_______ gulay upang makasiguro tayo na walang kemikal ang ating pagkain. A. n B. na C. g D. ng 10. Ang lahat ng ating ginagawa ay ialay natin sa Kaniya _________ pagpalain Niya ang bawat isa. A. sapagkat B. upang C. dahil D. kasi 11. __________ sipag at pagtitiwala sa Diyos ay umunlad ang kaniyang buhay. A. Ayon sa B. Ukol sa C. Ayon kay D. Dahil sa 12. Nakita nila ang kanyang kasipagan ________ nabigyan siya ng magandang oportunidad. A. kaya B. dahil C. sapagkat D. kasi 13. Ang ginagawa ng pamahalaan ay ____________ batas. A. alinsunod sa B. ukol kay C. alinsunod kay D. tungkol sa 14. Sa pagharap ng pagsubok ay kailangang matatag ___________ mapagtagumpayan ang mga ito. A. sapagkat B. upang C. ngunit D. kapag 15. Kailangang mag-aral ng mabuti ___________ magandang kinabukasan. A. para sa B. ayon sa C. para kay D. ayon kay

Similar documents

Modul 1 KB 1

Ernie Durrett - 2.7 MB

Tarea 1 (1)

Helen Nicole - 56.4 KB

Tarea 1 (1)

Sebastián Sánchez - 134.6 KB

Compensare Psihopedagogică 1 (1)

Alex Stan - 85.9 KB

1 Semiologia Abdominal 1

Camila S. Oczachoque M. - 1.8 MB

Repentina 1 (1)

Valentina Soza - 1.4 MB

MDL604_s3_tarea (1) (1)

Juan Pablo Fernandez - 137.1 KB

Guia_algoritmo_(1) (1)

Maria Fernanda VALENCIA BARROS - 308.5 KB

Draft 1 Jurnal (1)

Safira Afifah - 108.6 KB

LK 1- Modul 1

wahyu ningsih - 62.4 KB

[TM MATERI 1]-1

Kinanti Nazwa - 262.7 KB

Curs 1 PEP 1

Marius Marius - 145.2 KB

© 2025 VDOCS.RO. Our members: VDOCS.TIPS [GLOBAL] | VDOCS.CZ [CZ] | VDOCS.MX [ES] | VDOCS.PL [PL] | VDOCS.RO [RO]